Nov 7, 2009

BAKIT MASAYA MAGING BLOGGER

Ito na ang aking 4th anniversary post. Apat na taong gulang na ang gillboard.blogspot na site!!!

Sa totoo lang, hindi magtatagal ng ganito ang blog na ito kung hindi ako naging masaya o maligaya sa mga pinaggagagawa ko. Noong una, itinayo ko ito dahil lang sa bored ako sa trabaho ko. Ayaw ko noon magpost na ng mga blog sa friendster dahil nababasa ng boss ko yung mga sinusulat ko (dahil minsan ko nang pinuna ang pag-iingles niya doon at nabasa niya ito).

Masaya maging blogger. Masarap. Maraming sorpresa. Basta. Hindi siya para sa lahat, pero doon sa mga matitiyaga at masisipag maraming rewards din naman ang makukuha sa pagiging blogger.

1. PANTANGGAL STRESS
Dito mo mailalabas lahat ng galit mo sa mundo. Sa boss mong inutil. Sa kaibigang tanga. Sa magulang na makulit. Sa mga kaaway na walang alam gawin sa buhay kundi bwisitin ka. Sa mundo. Kung hindi mo kayang isigaw ang galit mo, dito mo ito mailalabas. Makakahanap ka pa ng kakampi. Merong mangangaral, pero karamihan naman sa kanila ay maiintindihan ka. Malalaman mo pang madalas, hindi ka nag-iisa. At syempre, maraming blogger din sa mundo na makulit. Kaya kung blog hopper ka, marami kang makikilalang mga makukulit na mga kagaya ko (talagang ako ang example... hahaha).

2. MAY MGA PERKS
Ni minsan hindi pa ako nakakatikim ng libre dahil isa akong blogger (sayang yung sa Phillips, di kasi ako umattend), pero ang mga bloggers ay isa na ring target demographic ng ilang mga consumer brands. So kung sikat ka, pwede kang ayain para matikman ang pagkain nila para ireview mo sa blog mo. Madalas pa nga, mayroong mga tao na nagtatayo ng blog para lang kumita. Di naman maitatanggi, meron naman talagang kumikita dito. Pero dahil tradisyunal na blogger ako, itaga sa bato, hindi ko gagawing business ang blog na ito. Ang punto ko lang naman, mayroong mga perks din ang pagiging blogger.

3. HINDI KA MABOBOBO
Kung wala kang trabaho. Kung wala kang tinatrabaho sa 'yong trabaho. Kung wala kang pasok. O kung wala kang ginagawa sa mundo. Kung blogger ka, sigurado kang hindi ka mabobobo. Kasi pag nagsusulat ka, ginagamit mo utak mo. Hindi ito naghahibernate. At kung bumibisita ka naman sa ibang mga blog, marami kang natututunan. Minsan pa nga, para sa akin, eto ang means ko para makabalita ng mga nangyayari sa mundo. Kung ano ba ang uso. Sino ang sikat. Anong huling balita sa Bahay ni Kuya.

4. MAAAPPRECIATE ANG TALENTO MO
Kung ikaw ay isang photographer, pwede mong ipost ang mga litrato mo, at tiyak ako mayroong magkukumento dito. Kung mahusay kang magsulat ng kwento, maraming blogger ang mambobola sa'yo na pwede ka nang magsulat para sa telebisyon (kahit di nila binasa ng buo yung kwento mo). Kung mahilig kang sumulat ng tula, may pagkakataon pang mainlove sa'yo ang mga mambabasa mo. Ang blog naman libre sa lahat. Manunulat, photographer, artista, pulitiko, pokpok basta ba gusto mo magshare ng buhay mo sa mundo, malaya kang gawin ito. Sooner or later meron ding makakapansin sa talento mo.

5. MARAMING MAKIKILALANG BAGONG KAIBIGAN
Ito na marahil ang dahilan kung bakit ako nagtatagal sa mundong ito. Marami akong nakilalang mga bagong kaibigan dahil sa pagbablog. Kahit pa sabihin nating tatlo o apat pa lang ang talagang nakikita ko, kahit sa mga kumento lang, at sa mga nababasa ko sa mga post nila, nagiging kakilala at nagiging feeling close ako sa kanila. Palaging merong something na magkatulad kayo. Ang palitan ng kumento, mapupunta sa palitan ng ym. Di niyo na lang mapapansin nagkakape na kayo. At kung suswertehin ka pa, maaaring dito mo rin makilala ang mamahalin mo at ang taong magmamahal sa'yo.

Kaya siguro, kahit na ilang beses ko gawing magpaalam sa blog na ito, palagi pa rin akong bumabalik. Masaya kasing maging isang blogger. Lalo pa ngayong lumalaki ang network of friends ko.

****************
Ako nga pala ay muling magpapasalamat sa lahat ng bumisita, nagbasa, nagfollow, naglink, dumaan, nagkomento, nag-ayang makipagdate, napadpad dito dahil ginoogle ang salitang j@ck0l, umaway at nakipagdebate sa akin dito sa blog na ito.

Pasensya po kung hindi ako masyado nakakadaan na ngayon or kung hindi ko nauupdate yung blogroll ko. Iwan ninyo sa comments kung wala pa kayo dito, gagawin ko siya sa Lunes.

Four years. Wow. Inuugat nako dito sa blogspot.

Nov 2, 2009

MULTIPLE CHOICE

Anong meron ang happy Gillboard?
  • Maraming pera dahil nanalo sa lotto.
  • Mas maraming pera dahil napromote.
  • Anak. Nakabuntis ng babae, kahit hindi niya syota.
  • Nakabili ng bagong DSLR.
  • Lalabas ulit ng Pilipinas.
  • May inspirasyon at nagpapaligaya sa kanya.
  • Nakabili siya ng hardbound copy ng Old Man Logan.
  • Mag-aapat na taon na sa isang linggo itong blog na ito.
  • Nakascore siya kagabi.
  • May nagbabasa sa dalawang blog niya.
Isa lang yung sagot diyan. Yung huli ay tama, pero meron pa isang sagot diyan ang mas tama.

Mahulaan niyo kaya?

*************
Tama din pala yung anibersaryo ng blog na ito... Pero mas may tamang sagot pa dun sa dalawang yun.

Oct 29, 2009

KWENTONG HALLOWEEN

Ang sabi nila doon sa lote na kinatatayuan ng bahay namin may nakatirang ilang mga espiritung hanggang ngayon ay hindi pa nakikita ang liwanag. Paano, napakatahimik sa bahay namin, lalo na pag wala ako sa bahay. Binubuksan lang ng nanay ko ang tv kapag Wowowee na o kaya nama'y Big Brother Uber na yung palabas.

Sabi ng may "third eye" na napapadaan sa amin, meron daw matandang lalake sa harap ng bintana ng lumang bahay namin. Minsan daw merong bata na nakaupo doon sa may terrace sa ikatlong palapag ng bagong bahay namin. Tapos kung saan saan pa.

Paminsan-minsan, kapag ako'y umaakyat na patungo ko sa kwarto, makakaaninag ako ng babae sa may pintuan ng banyo. O kaya'y makikita ko sa gilid ng mata ko minsa'y may batang nakaupo sa hagdanan namin. Maaaring guni-guni lang ng pagod kong mata kakacomputer ang nakikita ko. Pero dahil tatlo lang kami ng mga magulang ko sa bahay kaya hindi na ako nagtatanong kung ano yun. Baka tabihan pa ako sa pagtulog ko.

*************

Nagsimula akong makaramdam noong bata pa ako.

Noong buhay pa ang pinsan ko, madalas siyang nanggugulat. Tatalon sa kama namin sabay mangingiliti. Mang-aasar lang. Namatay siya dahil nahulog sa condo unit na tinitirahan nila ng kapatid niya.

Ilang araw makalipas nang siya ay ilibing, madalas na siyang nagpaparamdam. Minsan, habang nanunuod ako ng tv, bigla na lang lulubog ang kama ko, na para bang may tumalon. Tapos, minsan habang pinipilit kong matulog, bigla na lang parang may tumatabi sa akin. Hindi ko nakikita, pero alam kong yun yung kuya ko, nagbabantay sakin.

**********

Bakasyon noong hayskul ako, at nagbababad sa telepono nang hatinggabi. Kausap ko ang kaklase ko, at nakikibalita sa mga kaganapan sa buhay-buhay nito.

Dahil hindi naman talaga ako makwento, tahimik lang ako na nakikinig sa mga pinuntahan ng kaibigan nang nagdaang linggo.

Gising na gising pa ako, at mulat sa lahat ng nangyayari sa paligid nang biglang hindi lang iisa ang naririnig kong nagsasalita. Sa kabilang tenga ko, may bumubulong ng kung anu-ano na hindi ko naiintindihan. Nanginig ako, at nabagsak ang telepono. Walang tao sa paligid.

Nang itanong ko sa kaklase kung may narinig siya, wala raw. Baka daw nakatulog lang ako. Pero alam kong gising na gising ako.

**********

Isang linggo pa lang akong natutulog sa bagong kwarto ko sa bagong bahay namin. Isang gabi, nanaginip ako ng masama.

Pilit kong ginigising ang sarili ko. Alam kong gising na ako, ang kulang na lang ay imulat ang mata, pero hindi ko magawa. Nararamdaman kong may nakapatong sa akin at pinipigilan akong bumangon at gumising. Alam kong madilim, pero may naaaninagan akong anino ng bata na hinihila ang mga paa at kamay kong pataas. Pero nakaupo siya sa dibdib ko. Naririnig ko yung
batang tumatawa.

Nagsimula akong magdasal ng Ama Namin. Ang bigat ng mata ko, pero salamat sa Diyos, naibuka ko ito.

Malakas ang bentilador, at malamig ang panahon, pero basang-basa ako ng pawis.

**********

Sa kwarto ng Tita ko madalas ako matulog kapag tag-init dahil yun lang yung kwartong may aircon.

Minsan, nagigising ako ng madaling araw dahil maingay sa labas ng bintana ko. Ang harap ng kwarto nila ay terrace.

Madalas akong nakakarinig ng mga batang naghahabulan sa labas ng bintana namin. Ni minsan, eh inisip kong kapitbahay lang ang mga ito, dahil kahit bakasyon, walang matinong bata ang maglalaro ng habulan alasdos ng madaling araw.

Hindi na ako bumabangon, at pinapatugtog ko na lang ang radyo ng telepono ko nang hindi na marinig ang mga bata sa labas ng bahay ko.

**********

Hindi ako nakakakita ng multo, at ni minsan hindi ko pinapangarap na makakita nito. Wala akong balak. Wala akong lakas-ng-loob. Pero minsan, sa gilid ng mata ko, may nakikita akong mga aninong gumagalaw, kahit ako lang mag-isa sa bahay.

Sabihin man nating hindi ako naniniwala sa mga multo, sadyang meron talagang mga bagay na magbibigay ng dahilan upang tayo ay magdalawang-isip.
Happy Halloween!!!

Oct 25, 2009

LOLA

Alas sais ng umaga regular akong kumakain sa McDonald's sa kanto ng village namin.

Semi-suki ako ng kainan na ito dahil walang nagluluto sa bahay namin tuwing umaga. Pagdating ko mula trabaho sa umaga, nakahilata pa sa kama ang aking mga magulang. Alas-diyes na ang mga ito kung gumising.

Habang nag-aalmusal, dumating ang isang pares ng mag-ina. Matatanda na sila. Yung anak, maaaring nasa edad kwarenta na, habang ang nanay na akay-akay ay maaaring nasa sitenta na. Matanda na si lola at mukhang tuwang-tuwa ginawa para sa kanya ng anak.

"Oh ayan nanay ha. Kakain na tayo sa McDonald's! Alam ko gustung-gusto mo dito! Masaya ka ba nay?"

"Aba syempre naman hijo! Sayang di kasama si Ria."

"Nay natutulog pa po si Ria. Uuwian na lang natin ng pagkain yung apo niyo ha." paliwanag ng anak.

Hindi magkahawig ang mag-ina sa isip-isip ko. Mukhang may kaya ang lalake, habang mukhang nanggaling sa hirap ang ina. Mistisuhin ang anak na lalake habang morena naman ang ina. Bakas sa mukha ng ale na marami siyang pinagdaanan.

Umupo ang mag-ina sa lamesa sa aking tabi.

"Sandali lang nay ha. Mag-oorder lang ako. Gusto niyo po ng burger diba?"

"Salamat anak ha." ang sagot ng matanda.

At iniwan ang ina sa mesa. Ngumiti ako sa matanda habang sinisipsip ang orange juice sa aking baso.

"Ang bait niya 'no?" tanong sa akin ni lola.

"Opo." ang sago ko.

"Asawa siya ng anak ko. Kaya lang iniwan na niya kami. Kasama na niya ang tatay niya sa langit." nagbigay lamang ako ng isang malungkot na ngiti. Patuloy lamang ako sa pagkain ng aking almusal. Hinahayaan magkwento ang matanda.

Ilang saglit pa ay dumating na ang anak. "Eto nanay ha. Eto ang burger. Kumain na muna po kayo ha. Pupunta lang ako sa drugstore. Bibili lang po ako ng gamot para sa presyon ko ha. Diyan lang muna po kayo."

Dala-dala ang pagkaing marahil ay para sa kanyang anak. Nagmamadaling umalis ang lalake.

"Hijo," kalabit sa akin ng nanay, "samahan mo muna ako dito ha habang hindi pa dumarating ang anak ko ha?"

"Sige po lola." sabi ko.

"Alam mo si Andy mabait na bata yan," kanyang panimula habang nginunguya ang kanyang Sausage Muffin, "noong bagong magkasintahan sila ng anak ko hindi talaga ako boto sa kanya. Ayaw ko talaga sa kanya noon pero nagpursige siya para tanggapin ko siya. Nag-iisang anak ko lang kasi yung anak ko."

Nakikinig lang ako sa matanda. Malapit nang maubos ang pagkain ko. Pero dahil nangako akong sasamahan siya inisip kong bagalan na lang ang pagkain. Malapit lang naman yung drugstore, di siguro magtatagal yung Andy.

Pinakinggan ko ang mga kwento ni lola. Kung paano niya pinahirapan ang lalake habang nanliligaw pa ito sa anak. Na kahit madalas hindi magkasundo ang dalawa ay minahal pa rin ito ng manugang. Iba talaga ang gusto ng nanay para sa anak pero dahil nakita niyang mahal talaga niya ang manliligaw, tinanggap na din niya.

Marami pang kwento ang matanda at naubos na ang pagkain namin pero hindi pa dumarating si Andy.

"Lola, taga saan po ba kayo?" tanong ko.

"Naku. Malayo hijo. Hindi ako sanay sa Maynila. Taga Capiz talaga ako. Kung saan kami dito sa Maynila hindi ko alam. Basta mahaba yung biyahe namin kanina."

Bigla akong kinabahan. Ayokong maging malisyoso pero pinagdasal ko na sana mali yung iniisip ko. Sana mahaba lang ang pila sa drugstore. Tumingin ako sa relo ko. Halos isang oras ko na rin palang kasama si Lola.

Hindi ko naman siya pwedeng samahan ng matagal dahil inaantok na rin ako.

"Nay." buntong hininga ko. "kailangan ko na pong umuwi. Baka hanapin po ako ng magulang ko." paalam ko sa matanda.

Nalungkot si nanay. Naramdaman din niya siguro yung nararamdaman ko. Yung kaba. Gustuhin ko mang samahan si lola pero kailangan ko nang umalis. Iiwan na naman ang matanda.

Nilapitan ko yung isang crew ng kainan para mabantayan ang matanda. Pinakilala ko siya kay lola para samahan ito habang hinihintay ang manugang.

"Nanay, aalis na po ako. Malapit na po siguro bumalik si Andy. Medyo malayo po dito yung drugstore. Pasensya na po ha."

Hindi na nakikinig si Lola. Nakatingin lang sa pinagbalutan ng kanyang kinain.

Hindi ko maiwasang hindi tingnan si lola habang palabas ako. Parang nababasag ang puso ko sa bawat hakbang palayo sa kanya.

Sana mali ako. Sana balikan siya.

*************
Naisip ko lang kahapon, hindi lahat ng kumakain sa McDonald's masaya.

Oct 18, 2009

HINDI MABABASA DITO

Sa isang buwan ay magcecelebrate na itong blog ko ng kanyang ikaapat na kaarawan. 4 years old na ito. Matanda na. Mature na. Pero yung may-ari hindi pa rin... konti lang.

Halos 400 na rin ang naisusulat ko dito. Sa tingin ko noon kaya ko muntik na itong bitawan ay nasabi ko na ang lahat. Hindi pa rin pala. Natutunan ko, habang ikaw ay nabubuhay araw-araw may matututunan kang bago. At habang may natutunan ka, meron kang maisusulat. Meron kang maikukwento.

Mag-aapat na taon na ang blog na ito, pero kahit na ganoon, mayroon pa ring mga bagay na hindi ninyo mababasa dito. Mga bagay na hindi ko gagawin sa mundo ng blogosperyo. Unang-una dahil sumusunod ako sa blog etiquette. At pangalawa, maraming nakakakilala sakin sa tunay na buhay na nagbabasa ng blog na ito.

Kaya ngayon, ililista ko dito ang mga bagay na hinding hindi ko gagawin at hinding hindi ninyo mababasa dito.

MGA KWENTONG KAMUNDUHAN
Rated General Patronage ang blog kong ito. Kaya corny man ay hindi talaga ako magsusulat ng mga post tungkol sa aking mga karanasan bilang isang lalakeng makamundo. May naisulat na akong noon tungkol dito, pero yung mga kwentong iyon ay mga kwentong kapupulutan ng aral. Gaya ng huwag makikipag eyeball kung kani-kanino lang. Huli na yun, at marami atang nagtataasan ng kilay nang mabasa nila yung sinulat ko na yun. Basta ang dapat niyo lang tandaan, hindi ako magsusulat ng mga makamundong post hindi dahil walang aksyon na nagaganap sa buhay ko (meron naman paminsan minsan)... pero dahil gentleman ako. Hehehe

PULITIKA
Unang-una, wala akong karapatan magreklamo sa gobyerno, kahit na gaano kakurakot pa ito. Hindi pa ako bumoboto. Tsaka wala naman akong masasabi tungkol dito. Sa ngayon, wala rin naman akong pakialam. Hindi ako maopinyon pagdating sa mga pulitikal na topic. At ayoko rin namang magpanggap na may alam, dahil wala rin naman. Magmumukha lang akong tanga. Siguro pagnakaboto na ako.

BLOGWAR
Hinding hindi ako mang-aaway sa kapwa ko blogero. Kung hindi sang-ayon sa opinyon ko ang isang tao, ayos lang. Karapatan nila iyon. Hindi ako mag a-unfollow ng isang blogger dahil hindi ko nagustuhan ang sinulat nitong kumento sa isang post ko. Hindi ako mapipikon sa opinyon sa akin ng mga mambabasa, dahil kahit papano laitero din naman ako. Madali lang naman ang dapat gawin kapag hindi ko nagustuhan ang mga pinagsasabi ng isang tao, wag balikan ang blog niya. Tapos. Di ako magpapalaki ng issue, pasisikatin ko lang yung taong yon. Ika nga, make love not war. Pero if I make love, di ko isusulat iyon.

KALALIMAN
Aaminin ko, mababaw na tao lang ako. At ako yung tipo ng mambabasa na gusto ko naiintindihan ko ang binabasa ko sa unang basa nito. Ayokong dumudugo ang ilong ko, nagbabasa lang ako ng kwentong ligawan. Ayoko rin namang pinahihirapan ang mga dumadaan dito. Tsaka sa totoo lang, di ako malalim mag-isip. Mukha akong palaging nag-iisip, pero sa totoo lang nagspace out lang ang utak ko.

Yan lang naiisip ko ngayon. Ayoko naman magdagdag pa ng iba, kasi pag dinagdagan ko, baka wala na akong maisulat dito. Mahirap na, ayoko na magpaalam ulit, baka wala nang maniwala.

Oct 13, 2009

REPOST: WHY YOU HAVEN'T FOUND THE ONE

I've been hearing this question thrown out by a lot of people lately, so I think it's just high time that I write about it here. Yeah, this is another one of those 'singles' post, but I'm not emo or anything. I'm still okay with my status. My happiness is not dependent on whether I'm single, in a relationship, married or 'it's complicated'. But this post is not about me. I've talked about myself too much already it's nauseating.

So anyway, earlier I was texting with my friend, and she asked me why she still hasn't found the one. And it made me think... she is a very pretty girl. She's smart, funny and yeah, she's got like more than half of what I think what men are looking for in a woman. But she's still single. I told her, she's still young, there's still alot of time to find the right man. But the question still lingered in my tired and sleepless mind.

Why are some people having a hard time finding the one?

1. YOU'VE GOT HIGH STANDARDS
Maybe you're looking for someone who's a rich, famous, good looking and smart man or a beautiful, athletic, caring and sexy woman. Reality check, it's very rare that anyone's got everything that you're looking for in a partner. They'll always have flaws. And if there is anyone at all like that who exists. Chances are they may not be looking for someone like you. Don't set your standards too high, because in one way or another, the person you're looking for may not exist, and you'll end up with nothing. Try a girl who accepts you for who you are, or a guy who makes you laugh. There's nothing wrong with having an ideal partner. Just make sure that they're real.

2. YOU'RE LOOKING AT THE WRONG PLACES
I highly doubt you'll find the love of your life in the chatroom. If you're a girl looking for a man who'd like to just stay with you at home and endure cheesy movie marathons, you won't find him in a club. If you're a guy looking for a girl who'd rock your world in the bedroom, the church is not the right place to scan for those kinds of women. Maybe I'm wrong, who knows, but the point is, if you're looking for a partner who has the same interests as yours, try to look for them where they could be found. Befriend a fellow blogger. Introduce yourself to people who works out with you. If you find someone interesting in a forum where you share the same hobbies (ie pinoyexchange), send him/her a personal message.

3. YOU'RE JUST WAITING
For guys, and I think I've said this a thousand times before already, YOU'RE SUPPOSED TO BE THE ONE LOOKING! People normally say they'll just wait for love. If someone's meant for you, destiny'll find a way for you two to meet. Yeah, that's very much possible... in the movies!!! Think about this, what if you're waiting for the right one to come... and that person's also waiting for you, are you willing to wait for something that's unlikely to come. Sometimes you have to do something else, if waiting is not working. That's how spinsters became what they are.

4. YOU'VE BEEN STUPID
Maybe you've found the right one, you just let him/her go. We've all made mistakes in our lives, and sometimes the consequence of those mistakes is our special someone. There's nothing wrong with that. But don't let that stop you from looking for the right one. I'm a firm believer that if the two of you are really meant to be, no storm or calamity will prevent you two from being together. Let that mistake be a lesson. Charge it to experience so that when the time comes that you two find each other again, you won't make the same mistake. Unless you're really stupid.

5. YOU DON'T LOVE YOURSELF.
I know most of what I'm saying is cliche. But the thing about cliche is, it's being said again and again because it is true. You'll never be happy with anyone else, if first and foremost you don't love yourself. For one, you will never believe that the person you're with loves you for what you are, because you yourself can't accept that you have faults. If you still have that, you'll never be contented. You'll always look for something more. In short, you're not yet ready that's why you still haven't found her or him.

I honestly believe I'm still not ready. I still have a lot of hangups, but I do love myself. I love myself too much, I'm like narcissistic. Nah just kidding. But seriously, at the moment (as in at THIS moment), I'm not really looking.

Oct 9, 2009

KWENTONG FX

Aaminin ko, may pagkatarantado ako. Actually, tarantado talaga ako. At dahil madalas akong walang magawa sa buhay, lahat pinagtitripan ko. Pati mga kasabay ko sa FX. Nakikichismis sa usapan ng buhay nila (lalo na kung nagyayabang yung kasabay ko). Meron ding mga nakakasabay kung saan magtataka ka sa mga desisyon nila sa buhay, at mapapaisip ka talaga.

Paano ko ba naman makakalimutan ang fx eh dun ko nakilala si Monday (actually hindi ko siya nakilala... nakakasabay lang). Hindi ko na siya nakakasabay ngayon. Pero alam kong sa PBCom Tower siya nagtatrabaho.

So ang mga susunod na kwento ay ang mga nararanasan ko bilang commuter at suki ng mga manong fx driver mula baclaran hanggang samin o vice versa.

MICRO MINISKIRT GIRL
Dito ako nagtataka sa mga babae. Hindi naman sa lahat. Pero meron kasing hindi mo alam kung hindi sila nag-iisip o wala lang sila talagang choice. Una kong nakasabay si micro miniskirt girl sa fx mga dalawang linggo na ang nakakaraan. Doon siya sa likod ng sasakyan naupo, kahit na maluwang pa ang gitna at harapan (pero naintindihan ko kung bakit sa likod siya umupo dahil medyo extra large ang mga nakaupo sa harapan tsaka kasi nakita niya ako pumuwesto sa likod... hehehe). Anyway, saktong sa tapat ko siya umupo, at lo and behold, sa hindi sinasadyang pagkakataon, eh naaninagan ko ang isang bagay na hindi ko dapat maaninagan.

Maganda si Micro Miniskirt Girl. May pagka Maja Salvador kapag kulot ang hitsura. Maganda ang hubog ng katawan at medyo malaki ang hinaharap. Sa madaling salita, nakakali...maganda siya talaga.

Ang bitbit lang niya noon eh isang mahabang wallet at cellphone, kaya wala siya talagang maipantatakip dun sa dapat takpan. Pero kapag ganun naman, hindi siya dapat bumubukaka kasi mga lalake nasa harap niya. Yung isa pa mukhang DOM (hindi ako yon!!!).

Nakasabay ko nanaman siya kanina, at surprise surprise, nakamicro mini nanaman siya. At kung nung unang beses, puti ang naaninagan ko, kanina naman ay pink. Di ko alam kung nananadya siyang bumukaka dahil nasa tapat niya ako nakaupo. Di ko rin naman siya masisisi. Magkakakuliti talaga ako nito.

SI INDIANA JONES
Noong isang gabi, meron akong nakasabay sa fx na lalake. Syempre dahil nga pakialamero talaga ako, nakichismis ako sa kinukwento niya. Normally, ang mga driver yung madaldal, pero sa pagkakataong ito, yung lalake yung maingay. Hindi nga nagsasalita yung driver, at naaaninag ko sa salamin na natutulog yung babae sa tabi niya.

Anyway ulit. Parang word vomit, nagdadaldal siya ng mga bagay na hindi naman sa kanya tinatanong. "I'm an archaeologist sa UK. Alam mo yon, yung sa London?"

"Lumabas na ako one time sa BBC. Alam mo yun, yung channel na parang CNN ng Europe?"

"Yung tatay ko kasi archaeologist din, kaya sinusundan ko siya. Interesting din kasi trabaho niya."

"Divorce sila ng mama ko. Alam mo yun, yung hiwalay na?"

"May anak ako sa ex ko. Pero ayaw niya ipakilala sa akin."

Teka. Sa isip isip ko, parang pamilyar sa akin 'tong kwentong ito ah. Nag-isip ako ng isang minuto at alas, kilala ko yun. Kwento ni Indiana Jones yung buhay niya!!! Tang-ina, kasabay ko sa FX si Indiana Jones!!! Shet, parang boses bakla siya!!!

*************
Marami pa akong maikukwento sa inyo. Yung dalawang construction worker na naghoholding hands, yung magsyotang taglibog, yung tulog na baboy na nagbabaha ang laway at yung aleng nakaaway ko sa sasakyan. Pero sa susunod na. Para marami akong maisulat dito sa blog na ito.

Oct 3, 2009

MY TOP FILMS: PINAKAPANGET NA MGA PELIKULA

Normally, nag-iingles ako pag mga ganitong klaseng post ang sinusulat ko. Pero dahil adik ako ngayon, at dahil hindi magagandang mga pelikula ang nakasaad dito tatagalugin ko na. Mas madaling maiparating ang poot na nararamdaman ko kapag sa wikang tagalog ang pagkakasulat nito. Sa mga apektado, opinyon ko lang ito. Blog ko 'to kaya kahit anong gusto kong isulat, isusulat ko. Kung hindi kayo sang-ayon, gumawa rin kayo ng blog ninyo at doon ninyo ako siraan. Wala po akong balak na makipag-away kanino man.


So itong listahan na ito ay ang listahan ng pinakapanget na mga pelikulang napanuod ko sa buhay ko. Unahin ko na ang mga pelikulang Pinoy kasi marami naman talagang pelikula na hindi maganda. Meron tayong mga iilang may katuturan na napapanuod, pero kadalasan, wala talagang kwenta ang mga ginagawang pelikula. Maipares lang si Dingdong kay Marian ayos na. Mapagsama lang si AiAi at Piolo, go na. Magkaroon lang ng pelikula ngayong taon si Richard Gutierrez, papatusin na. Kaya bumagsak ang industrya, gawa lang ng gawa, akala mo naman quality. Ayan, di nako natahimik.


Sisimulan ko na ang listahan ko ng pinakapanget na mga pelikula. Salamat nga pala kina Lawstude, Joshmarie, Curbie at Gas Dude na sumagot ng tanong ko sa plurk.


10. Villa Estrella
Napakawalang kwenta ng pelikulang ito. Horror siya pero hindi nakakatakot. Drama, pero hindi nakakaantig. Action, pero ang lamya lamya. Palpak. Nanuod ako nitong pelikulang ito sa sinehan pa. Hindi man lang ako nagulat. Naasar ako sa kwento. Napakapredictable tsaka walang direksyon. Halatang hindi man lang pinaghandaan ang pelikulang ito.

9. Yamashita
Nagtataka ako sa Metro Manila Film Festival. Paano nakakapasa at nananalo ang mga pelikulang gaya nito. Hindi naman siya maganda. Dahil ba medyo mukhang ginastusan yung effects nito kaya 'to nanalo ng Best Picture. Wala namang sense yung pelikula. Nakakabwisit. Gusto niyang makiuso sa mga historical fiction na kwento na hindi naman talaga kapani-paniwala. Kumita ba ito?

8. Rollerboys
Aaminin ko, pinanuod ko ito sa sinehan. Paano noong bata pa kami, yung mga kapitbahay ko ay numero unong fan ni Patrick Garcia. Noong panahong payatot pa ito at mukhang bungo. Hindi ko alam kung ano nagustuhan ng mga batang iyon kay Patrick, pero patay na patay sila dito. Kaya nung unang araw ng palabas nito, hinila kami ng mga kapitbahay namin para panoorin itong pelikulang ito. Hindi ko siya nagustuhan. Ang corny. Ano ba naman ang magagawang kakaiba sa roller blades ng mga bata? Umiinit ang ulo ko.


7. I Do I Die Diyos Ko Day
Noong dekada nobenta, maraming pelikula ng Star Cinema ang maaari nating i-classify sa mga pelikulang wala talagang kwenta. Magbigay lang ng matinong lesson sa kwento, kahit pa basura yung istorya, ipapalabas nila ito. Habababa doo - Putiputi poo. Tong Tatlong Tatay Kong Pakitong-Kitong. Isprikitik something something Walastik. Salamat sa Cinema One napapanuod ko ang mga ito. Ang panget ng pelikulang ito. Pinoy version ng War Of the Roses (na gustung gusto ko). Basta ang masasabi ko lang, hindi siya nakakatawa.

6. Super B
Granted na medyo nakakatawa ang Booba (medyo lang), eto yung mga tipo ng sequel na hindi naman kailangang gawin pero para sa pera, gagawin pa rin. Hindi pinag-isipan, kung ano lang ang nakakatawa para sa lumikha nito, ipapalabas na. Walang kwenta ang pag-arte. Walang saysay ang kwento. Nakakaburaot ang mga artista. Hindi ko alam kung bakit pagkatapos ipalabas itong pelikulang ito, binigyan pa rin ng trabaho ang direktor. Kaya siguro hindi tuluyang sumisikat ang mga gaya ni Ruffa Mae, kahit na magaling silang komedyana. Kasi pumapatol sila sa mga ganitong proyekto.

5. ALL Bong Revilla Filmfest Movies

Oo na. Pinagkagastusan na ang mga effects ng mga pelikula niya tuwing filmfest. Kumbaga kung ikukumpara mo sa iba, pwede pang hollywood yung mga effect effect ng pelikula. Pero dahil sa sobrang gastos sa mga effects, nakalimutan nang gastusan ang mga manunulat, kaya kung ano-anong kwento na lang ang isinusulat nila. Resiklo, yung Enchanted Kingdom na movie, tapos may isa pa, tsaka yung Panday (na ipapalabas ngayong taon). Buti na lang at hindi na masyado kumikita ang mga ganitong pelikula. Patunay lang na nagiging matalino na ang mga Pinoy sa pagpili ng pelikulang papanuorin. Hindi lahat nadadala sa style. Kailangan din ng substance.


4. My Best Friend's Girlfriend
Napanuod ko ang kabuuan ng pelikulang ito sa bus. Aaminin ko, sumakit ang ulo ko. Ang sakit sa tenga pakinggan ng boses ni Marian Rivera. Hindi ko naintindihan ang kwento nito dahil sobra akong nadidistract sa boses ng artista. Aaminin ko maraming kinilig dun sa pelikula. Yung katabi ko, number one fan ata ni Richard Gutierrez. Kapag may kilig scene yung dalawang bida, talagang pinupukpok niya yung hita niya. Parang tanga lang. Nasa listahan itong pelikulang ito dahil napakababaw at sadsad na sadsad na ang kwento nito. At saka ang sakit sa ulo pakinggan ni Marian Rivera.

3. I.T.A.L.Y.
Napanuod ko ito kasi yung isang kaibigan ko patay na patay kay Dennis Trillo. At dahil hindi pa niya napapanuod yung pelikula, bumili ito ng piniratang dvd sa isang bangketa sa Quiapo. At dahil wala kaming magawa noong araw na yon, pinanuod namin ito. 15 minutes into the movie, naasar kaming pareho, napagdesisyunan naming manuod na lamang ng porn. Iyon na lang pala ang ginagawa ni Jolina ngayon. Sayang, tuwang tuwa pa naman ako sa love team nila ni Marvin dati. Panahon nga naman. Ewan ko ba ano meron itong pelikulang ito. Ang baduy!!!

2. Scaregiver
Hindi ko alam kung bakit na greenlight itong pelikulang ito. Hindi siya nakakatawa. Hindi ko kilala ang mga artista. Sabog sabog ang kwento, na parang nakadrugs ang nagsulat ng pelikulang ito. Nagpakita ang halos buong cast ng Eat Bulaga sa kabuuan ng pelikula, pero imbis na nakatulong, lalong sumakit ang ulo ko dahil sa kanila. Eto nanaman si Marian Rivera. At mas malala ang role niya. Buong eksena niya ata, wala siyang ibang ginawa kundi magbunganga. Seryoso, yun yata yung dahilan kung bakit nilagnat ako noong isang linggo. Napanuod ko rin ang kalahati ng pelikulang ito sa bus.

1.Payaso
Posible bang ang bata ay makaramdam ng depression. Normally dapat hindi, pero noong napanuod ko ang pelikulang ito noong bata ako, sobrang nadepress ako. Tungkol ito sa mga payaso pero hindi ito nakakatawa. Maraming bata sa kwento, pero ni minsan hindi ako naexcite. At si German Moreno ang bida dito. WTF?! Hindi ko na maalala kung tungkol saan itong pelikulang ito, basta ang naaalala ko gusto ko nang mamatay yung payaso dun sa pelikula. Tinatanong ko yung tatay ko palagi, bakit wala pang bumabaril sa kanya.

Marami pang pelikulang ganito Dream Boy, mga pelikula nina Judy Ann at Wowie, Apoy Sa Puso ng Samar (yung pelikulang may linyang saging lang ang may puso), mga pelikula ni Mark Lapid at ni Mikee Arroyo, Pacquiao, at karamihan ng mga pelikulang komedya sa Pilipinas. Mga dahilan kung bakit ilang taon kong iniwasang manuod ng mga pelikulang Pilipino. Dagdagan mo pa ng mga soft porn na pelikulang nagkukunwaring indie films. Juno at 500 Days of Summer, yan ang halimbawa ng indie film. Hindi Torotot o Silip.

Sinubukan kong maglagay ng mga litrato dito, ngunit nagloloko nanaman ang internet connection ko. Salamat Globe Broadband!!!